Tuesday, October 21, 2008

Isang Gabing Maganda

Tulad ng halamang ligaw
Hindi nabibilang sa hardin
Tayo'y malaya ngunit di makawala.

Nais ko sanang lumipad
Isang espiritung walang anyo
Sumapi sa bawat ilaw, tunog at bato.

Ako ba itong nasa tabi mo?
Ang hanging sumasamyo sa pisngi
Hinahawi rin ba ang buhok mo?

Mangyari lamang pakisabi nga
Sa kalawakang pinapailaliman at hinihing'han,
Nagtatagpo kaya ang diwa mo at ko?

Kung maaari lang kumawala sa anyong lupa...
Ngunit heto't maugat, uhaw at masanga--
Sa isang gabing maganda, walang mapapala.

No comments:

Post a Comment